Biyernes, Mayo 22, 2015

Ang Kwento Ng Aking Tunay Na Buhay... ("Handang maglingkod at mamatay para sa Diyos at Bayan!")

Ako si James M. Gutierrez pinanganak noong Mayo 27, 1988 sa Mabalacat City.
Ang aking Ama ay si Ricardo at ang aking Ina ay si Elizabeth. Ako ang panganay sa aming lima ang mga kapatid ko ay si Mark, Charina, Paulo at Angelica. Lima kaming magkakapatid at ang silang lahat ay nasa Amerika na kasama si Tita Myra. Simpleng Pamilya lamang kami pero masayang pamilya, nagkakaisa at nagmamahalan. Sinubok ang aming katatagan sa bawat araw at sa bawat problema at mga di pagkakaunawaan. Matagal din kaming nanirahan sa isang resettlement sa Mabalacat kung saan kami mas namulat. Dito marami kaming mga alaala ng aking mga kapatid at mga adventures at mga kalokohan. Dito na rin kami nagtapos ng Elementarya at High School ni Mark at Charina o Cheng. Marami din kaming naging kaming mga naging kakilala at mga kaibigan sa lugar na ito. Mga sampung taon din kaming nanirahan dito kasama ng mga kamag-anak namin. Malaki ang naging bahagi ng simbahan sa aming buhay at pananampalataya bilang Baptist. Ngayon naninirahan kami dito sa Angeles City Pampanga (Napakalaki ng naitulong ni Tita sa amin).

Naging faithful sa paglilingkod sas simbahan noong nasa Mabalacat pa kami hanggang sa Angeles. Mula elementarya hanggang college noon ay active sa pamimigay ng mga babasahin kasama si Jeremiah, Jommel, Dexter, Ricky. Share sa Yahoo Messenger, Forums, Friendster at sa Facebook kung saan maabot ko ang ibang Pinoy, Kabataan at mga OFW. Patuloy kong pinaglaban ang katotohanan ng Salita ng Diyos kahit maraming pumupuno at naninira sa akin. Di ako nawalan ng pag-asa na kikilos ang Panginoon at tunay nga naging pagpapala ito sa ibang tao. Alam ko na ito ang pinakamahalaga sa lahat sa buhay na ito kaya buong buhay at buong puso akong naglingkod. Alam kong na balang araw makikita ko ang aking manunubos at ako'y Kanyang gagantimpalaan sa huli. Tulad ng patuloy Niyang ginagawa sa aking buhay at pamilya ang Kanyang pagpapala at pag-iingat maging sa pamilya. Binibigyan Niya ako ng lakas at pag-asa na patuloy na lumaban at ipaglaban ang tama at mabuti. Dalangin ko ang kalooban ng Diyos ang mangyari at ang patuloy magbago ng tuluyan marami akong kasalanan at pagkukulang.

Nag graduate ako ng college sa System Plus College Angeles City. 2 Years. sa kursong Comp Sci. Nagtrabaho sa iba't ibang kumpanya bilang isang simpleng mangangawa pero masaya ako. Ako ay isang simpleng mamamayan ng Pilipinas at isang Kristiano at simpleng tao. Tulad ng iba marami rin akong pinagdaanan sa aking buhay at kasaysayan. Sabi ng iba tahimik daw ako at seryoso sa buhay at madalas tinutukso nila. Alam kong marami akong mga pagkakamali sa buhay at mga pagkukulang lalo na sa Diyos at pamilya. Pero ganun pa man mas ginugugol ko ang buhay ko sa paglilingkod sa Diyos at aking Kapwa. Sumali rin ako sa iba't ibang organization tulad ng Fraternity (TGP) at Guardians Brotherhood. Naglingkod sa maliit na paraan sa ibang tao at sa bayan maging sa mga kamag-anak namin. Mahal ko ang bawat kamag-anak namin at nais ko silang matulungan sa abot ng aking makakaya.

Nakapagtrabaho ako sa iba't ibang kumpanya bilang isang simpleng mangagawa at emplyado. Mula Supermarket, Gas Station, Factory, Restaurant, Mall, Mini-stop, Warehouse hanggang sa Clark. Marami akong nakilala at naging masaya ako kahit papaano kahit maraming pagsubok at hirap. Wala akong pinagsisihan sa mga pinili kong trabaho kung saan marami akong natutunan at alaala. Nag board ako sa Cutcut ng umalis sina Mama at mga kapatid ko nasa America na sila lahat. At lumipat ng boarding kalaunan 10 Months din akong nag board sa Cutcut mag isa lang. Pinapasyalan ni Tol Russelle, si Bro. Karlo, Pumasyal din si Bro. Argel at si Tol Rocky minsan. Mahirap mag isa pero nagpakatatag ako at kinaya lahat ng pagtitiis at kalungkutan dun. Habang nagtatrabaho sa isang warehouse hanggang sa mag resign at mag work sa Clark sa isang Hotel dun. At pagkatapos noon na confine ako sa sakit nagkasakit ako ng 6 na buwan sa hospital ng magka Pneumonia. Naiwan ako sa bahay kung saan kasama si Tita Baby, Elem at si Rica ngayon sa bahay ni Ate Daisy.

Hindi ko alam kung ano ang plano ng Diyos sa buhay ko pero Siya ang nakakaalam kung ano magiging wakas ng aking buhay. Parang penikula at kwento sa isang aklat na ang Diyos ang sumulat at may rason ang lahat ng bagay mabuti man o masama. Hiniling ko sa Diyos ang simpleng buhay at ang maging maayos ang pamilya ko kahit na di ko na maabot ang mga pangarap. Ang maligtas ang maraming pinoy at makakilala sa Panginoong Hesus at sa Kanyang Salita na mensahe para sa lahat. Marami pang pangyayari sa buhay ko ang di naisulat sa personal kong blog at kwento sobrang daming pangyayari. Nais kong mapaayos ang lahat maging ang aking bayan na malinis sa lahat ng karumihan (krimen, korapsyon, terrorismo). Patuloy kong pinag-aaralan ang mga bagay bagay at inuunawa ang buhay kahit minsan naiisip ko parang unfair ang mundo. Maraming masasama at kawalan ng hustisya subalit ang Diyos sa huli ang magbibigay ng hustisya sa lahat ng dukha at biktima. Sa Kanyang paghahari matatapos ang lahat ng mga problema at sa huling hatol Niya kay Satanas at sa lahat ng mga di tumanggap.

PURIHIN ANG PANGINOONG DIYOS NA LUMIKHA AT UMIBIG SA AKIN AT SA LAHAT NG NILALANG NG PATAS! Eto ang naging buhay ko at ang mga susunod pang kabanata ng aking buhay inaalay ko sa lahat ng nagmamahal at sa iba. Mahal ko ang Diyos, ang pamilya ko at ang aking bayan at handa akong mamatay para rito ng walang inaasahang kapalit. Marami pong salamat sa pagbabasa at sa pagkilala sa akin na isang tahimik, seryoso, stranghero sa mata ng iba na manlalakbay.

RELIGION: BAPTIST (Fundamental Evangelical Christian)
POLITICAL PARTY: REPUBLICAN AND NACIONALISTA PARTY (Ideology)
Affliation/Organization: TGP AND GUARDIANS. (PUBLIC SERVICE AND PEACE)

-JAMES307 or Jacob Walter (PREACHER, FORMER MKS WIZARD AND RMG "FROST")  INFO. UNDER PUBLIC PERSONAL INFORMATION (MY 27 YEARS)...

MAY 1988: Born Kind Hearted and Intelligent Leader. KING JAMES VII ("Ang Espiritual na Pinuno at Lingkod ng Diyos, Ang Pinagpalang Heneral at Paring Hari sa bayang pamumunuan ng Diyos magpakailanman...

"Faith in God, Serving People..." (For Freedom, Equality, Service and Human Rights)

~END~.